8 indibidwal na hinihinalang miyembro ng lokal na teroristang grupo, nahuli sa Maguindanao Del Sur

Nahuli ng 601st Infantry (Unifier) Brigade at ng mga operatiba ang walong indibidwal na hinihinalang miyembro ng lokal na teroristang grupo matapos ang isinagawang Decisive Military Operation (DMO) sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Nadakip ang mga suspek matapos makatanggap ng ulat ang militar patungkol sa presensiya ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – Bungos Faction (BIFF-BF) at Dawlah Islamiyah – Hassan Group (DI-HG) sa nasabing lugar.

Narekober sa mga suspek ang isang M16A1 rifle, labing-isang magasin, mahigit 200 bala ng 5.56mm, at ilang cellphones na posibleng ginagamit sa aktibidad ng nasabing grupo.

Sa ngayon ang mga suspek ay sumailalim sa imbestigasyon at custodial briefing para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, commander ng nasabing brigade, na patuloy pa nilang paiigtingin ang kanilang mga operasyon para madakip ang mga natitira pang terorista sa lugar.

Facebook Comments