Tuluyan nang nang pinabalik ng Bureau of Immigration (BI) ang walong Japanese national pabalik sa kanilang bansa ngayong araw.
Ang mga naturang Japanese ay ang mga naaresto sa operasyon ng BI ay kinilalang sina Harada Shota, Nakamura Naoto, Endo Sediro, Kobayashi Mikio, Hashimoto Kodai, Otani Takuya , Mayuzumi Kaito at Sakiyama Kenta.
Kung matatandaan ang walong Japanese national ay ikinulong sa Camp Bagong Diwa sa may Taguig habang nililitis ang kanilang kaso dito sa bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration, ang pag-aresto sa mga suspek ay dahil sa impormasyon ng Japan interpol dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen sa kanilang bansa.
Sangkot din ang mga naturang dayuhan sa iba’t ibang krimen dito sa Pilipinas bukod pa sa kanilang kaso sa Japan dahil sa pagiging miyembro ng notorious na Luffy Robbery group.
Samantala, escorted ang mga naturang Japanese national ng immigration personnel ng PNP, Japanese Police at APD hanggang sa makasakay sila ng kanilang flight.