8 kabataang nagprotesta sa loob ng Kamara noong Sabado, nakakulong pa rin

Manila, Philippines – Nakakulong pa rin sa Camp Karingal sa QCPD ang walong kabataang nagprotesta sa loob ng Kamara noong Sabado.

Sa gitna iyon ng isinasawagang joint session ng Kamara at Senado tungkol sa extension ng Martial law.

Kinilala ang walo na sina Almira Abril, Chad Errol Booc, Kenneth Cadiang, Yasser Gutierrez, Renz Pasigpasigan, John Paul Rosos, Vinzhill Siman, at Michael Joselo Villanueva.


Nahaharap sila sa kasong Disturbance of Proceedings sa Quezon City Prosecutor Office.

Dahil dito, posible silang makulong ng hanggang anim na buwan.

Facebook Comments