8 kahilingan, inilatag ng grupong FFW kay PRRD sa pamamagitan ng DOLE

Umapila ang grupong Federation of Free Workers (FFW) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na  matutugunan ang problema ng mga manggagawa na mabigyan ng tulong at ikunsulta sa kanila ang mga hakbangin ng gobyerno para mabigyan ng ayuda ang mga manggagagawa sa gitna ng ipinatutupad na Ehanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula batid nila na gumagawa ng hakbang ang Pamahalaan upang masugpo ang nakamaamtay na Novel Coronavirus Disease 2019 o  COVID-19 pero hindi sapat umano ito sa pinasalang idinulot ng COVID-19 sa mga manggagawa.

Iniisa isa ni Atty.Matula ang kanilang kahilingan kay Pangulong Duterte una dapat ipakita sa publiko ang malinaw na National Action Plan hindi lamang sa paglaban sa COVID-19 bagkus dapat protektahan ang manggagawa sa hagupit ng naturang  pandemic, pangalawa mabigyan ng pangkalahatang  suporta gaya ng pagbibigay ngkatumbas ng minimum wage o Php 10,000.


Pangatlong kahilingan nila ay dapat iprayoridad ang muling pagtatayo ng ating National Health Care and Sanitation System upang agad na makatugon ng tama sa nararanasan natin ngayon na Pandemic,at paigtingin pa ang pagbibigay ng proteksyon sa kalusugan ng mga manggagawa,at ilabas ang DOLE Department Order na utusan ang employers na makipag usap sa mga  unions o workers’ representatives tungkol sa tunay na solusyon sa usapin ng COVID-19.

Giit ni Matula mahalaga na mabigyan ng libreng medikal ang mga manggagawa na tinamaan ng Covid-19,dapat ang  SSS at ECC ay dapat magbigay na simplemg panuntunan kung papaano makapag- avail ng   sickness at medical benefits na dinadapuan ng COVID-19 pandemic at panghuli daapt bigyan ng gobyerno ng subsidize o tax incentives ang mga  employers na nagbibigay mg  hazards pay na  P500/day o katumbas ng  25% sahod ng manggagawa kung alinman nag mas mataas sa kanilang mga empleyado.

Facebook Comments