Arestado ng PDEA-NCR ang walong tao sa pagsalakay sa isang bahay sa Geronimo St, Sampaloc, Maynila.
Ginawa ng PDEA at Manila Police District ang raid sa sinasabing drug-den malapit pa sa Moises Salvador Elementary School.
Kabilang sa mga naaresto ang isang babae kung saan subject ng search warrant ang isang Andi Manuel alyas Andi at Mary Jane Sicat alyas Buddha.
Tinatayang aabot sa P170,000 ang mga nakumpiskang droga mula sa mga suspek.
Facebook Comments