8 Katao, Huli sa aktong Paglalaro ng BINGO

15

Cauayan City, Isabela- Arestado ang walong (8) katao matapos mahuli sa aktong pagsusugal dakong 8:40 kagabi sa Brgy. Unag, Amulung, Cagayan.

Nakilala ang mga naaresto na sina Deserie Alipio, may-asawa, 20 -anyos; Lea Teodoro, may-asawa, 34 -anyos; Leny Remudaro, may-asawa, 37-anyos; Darwin Escalante, may-asawa, 41-anyos; Liza Matammu, biyuda, 43-anyos; Fely Teodoro, may-asawa, 55-anyos; Lydia Balinoyos, may-asawa, 66 -anyos at Rosie Tallud, may-asawa, 64-anyos na kapwa mga residente sa nabanggit na lugar.


Nahuli sa aktong naglalaro ng BINGO ang nasabing bilang ng mga suspek na nagresulta ng pagkadakip sa kanila habang kinumpiska ang mga gamit sa sugal gayundin ang pera na nasa P773.00 bilang ebidensya.

Magugunitang isa sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan ang labanan ang illegal gambling o sugal.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga suspek na nasa kustodiya ng mga otoridad.

Facebook Comments