Walong katao ang nasagip matapos muntikang tangayin ng rumaragasang agos ng tubig habang naliligo sa Tapwakan River sa Pugo, La Union noong Mayo 6.
Kuha sa video ng isang residente ang masayang picnic ng ilang bisita habang naliligo sa tahimik na ilog nang biglang nagkulay tsokolate ang agos ng tubig.
Bandang alas dos ng hapon, nang nagsimulang rumagasa ang tubig dahilan upang mastranded ang walong katao sa malaking bato sa gitna ng ilog at gilid ng bundok na naliligo sa oras na iyon.
Agad rumesponde ang management team ng Tapwakan River katuwang ang awtoridad gamit ang tali at tumawid patungo sa mga stranded na biktima.
Patuloy ang paalala ng awtoridad na makipag-ugnayan sa kanilang pagbisita upang agad marespondehan sa posibleng aksidente.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments