8 katao patay dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan sa Japan

Umabot na sa walong katao ang nasawi dahil sa patuloy na nararanasang pagbaha sa Japan.

Ayon sa Nagasaki Prefectural Government, isa rito ang 80 anyos na babae na natagpuang patay sa siyudad ng Hioki.

Bukod sa walang tigil na pag-ulan, nakapagtala rin ng 4.2 magnitude na lindol sa siyudad ng Shobara sa Hiroshima Prefecture.


Ayon sa Japan Meteorological Agency, patuloy pang makakaranas ang kanilang bansa ng mga pag-ulan na posibleng magresulta ng landslides dahil sa paglambot naman ng mga lupa.

Facebook Comments