8 kumpirmadong kaso ng pertussis sa Taguig, nakarekober na

Nilinaw ng Taguig Local Government Unit (LGU) na ang mga pasyenteng tinamaan ng pertussis ay kasalukuyan ng gumaling o naka-recover sa sakit.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, kumakalat aniya kadalasan ang pertussis sa pamamagitan ng droplets mula sa bibig at ilong kapag ang taong meron nito ay umuubo, bumabahing, o nakikipag-usap.

Dahil dito pinag-iingat nila ang publiko na gawin ang ibayong pag-iingat laban sa naturang sakit.


Delikado umano ang sakit na ito lalo na sa mga sanggol na maaaring magkaroon ng ubo o pagkahingal, paghina ng kain at paghirap ng paghinga.

Kasunod nito, tiniyak naman ng Taguig LGU na nakahanda sila para tugunan ang paglaganap ng Pertussis gamit ang gamot, kagamitan ng mga health centers, at ospital upang gamutin ang tatamaan ng naturang sakit.

Facebook Comments