8 Magandang Paggamitan ng iyong 13th Month Pay

IMAGE FROM: JUANKABUHAYAN (WORDPRESS)

Isa sa mga pinakainaabangan ng mga kababayan nating nagtatrabaho buong taon ay ang buwan ng Disyembre kung saan makatatanggap tayo ng 13th month pay. Talaga namang hinihihintay ito ng mga kababayaan natin at wala pa man ay iniisip na kung saan natin ito gagastusin.

Pero kung ikaw ay wala pang maisip na paggagastusan at gusto mong masulit ito ay narito ang ilang mga tips para sa iyo:

1. Savings


Napakalahaga ng pag-iipon lalo na kung ikaw ay wala pa ngang naiipon buong taon mula enero dahil sa dami ng iyong gastusin at walang natitira sa iyong sweldo. Ito na ang pagkakataon mong mag-ipon gamit ang iyong 13th month pay. Laging tandaan na kapag may isinuksok may madudukot!

2. Investment

Gusto mo ba ng dagdag na mapagkukunan ng kita o investment pero walang pampuhunan? Alam mo ba na ang iyong matatanggap na 13th month pay ang solusyon dito. Mainam na sa investment ito mapunta para siguradong hindi ito mapupunta sa wala

3. Vacation

Napagod ka ba sa buong taon na pagtatrabaho? Nararapat lang na ikaw ay magpahinga at magbakasyon gamit ang inyong 13th month pay. Deserve mo rin i-treat ang iyong sarili.

4. Magsimula ng sarili sariling negosyo

Maraming maliliit na negosyo ang magandang simulan ngayong Disyembre kung saan tiyak ang kita dahil marami ang bibili, tiyakin lamang ang papasuking negosyo at siguraduhing gusto mo ito. Maaari mong gamitin ang iyong 13th month pay para ikaw ay makapagsimula.

5. Magbawas ng utang

Isa sa ka sa mga nagipit ngayong taon, naramdaman mo ba ang malaking pagtaas ng mga bilihin at ikaw ay napilitang mangutang ? pagkakataon mo ng mabayaraan ang iyong mga utang sa pamamagitan ng iyong 13th month pay. Magandang magbayad ng mga utang bago matapos ang taon at wag na iyong paabutin ng bagong bagong taon.

6. Bumili ng mga bagay na maaaring gamitin sa bahay at negosyo

Marami sa atin na kahit sa bahay lamang ay gustong kumita ng pera. May ilan kaming tip para sa iyo. Maaari kang bumili ng Freezer ngayong Disyembre gamit ang inyong 13th month pay . Bukod sa nagkaroon ka na ng bagong gamit ay maaari mo rin itong mapagkakitaan . Maaari kang magtinda ng mga frozen products tulad ng yelo, ice candy, softdrinks at iba pa.

7. Workshops at seminars

Bilang isang empleyado mas mainam na tayo ay magkaroon pa ng mas malawak na kaalaman at kasanayan sa ating mga napiling karera sa buhay. Magandang paglaanan ng iyong 13 month pay ang pagdalo sa mga workshop at seminars upang mas lalo ka pang humusay at bukod dito mas malaking tyansa na tumaas ang iyong posisyon o ma-promote.

8. Panregalo sa loveones

Ngayong disyembre ay hindi mawawala ang pagbibigayan ng mga regalo. Kadalasan sa dami ng ating mga dapat bigyan ay hindi na ito pasok sa ating budget. Magandang hintayin ang iyong 13th month pay at ito ang iyong gamitin sa pagbili ng iyong mga ipanreregalo sa iyong mga mahal sa buhay.

 


Article written by Merlyn Cañete

 

Facebook Comments