Manila, Philippines – Ibinunyag ngayon ng Armed Forces of the Philippines na Mayroong 8 miyembro ng Maute group ang sumuko sa puwersa ng militar sa Marawi City.
Sa Minda Hour na ginanap sa Malacanang ay sinabi ni Brig. General Restituto Padilla ang tagapagsalita ng AFP na sumuko ang 8 maute members sa tauhan ni General Custodio Parcon.
Ibinida pa nito na nagbigay ng mahahalagang impormasyon ang mga sumukong terorista na magagamit para maging matagumpay ang operasyon ng Militar sa Marawi City.
Ibinida din ni Padilla na marami na silang narecover na high power firearms sa Marawi City mula sa Maute na isang indikasyon na humihina na ang puwersa nito.
DZXL558, Deo de Guzman
Facebook Comments