Sultan Kudarat – Sumuko sa militar ang walong mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan kudarat.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc ang Commander ng 33rd Infantry Battalion sumuko ang mga ito kahapon ng umaga.
Isinuko rin ng mga ito ang dalawang M16A1 assault rifles, at dalawang malalaking improvised na bomba.
Sinabi ni Captain Rogelio Agustin Jr., the Commanding Officer of the Charlie Company, 33rd Infantry Battalion, na dahil sa pagod at gutom sa pagpapatrolya sa kabundukan kung kayat nagdesisyon ng sumuko ang walong rebelde.
Hanggang kahapon 60 miyembro ng NPA ang sumuko sa Philippine Army.
Facebook Comments