Oriental Mindoro – Timbog ang walong miyembro umano ng sindikato na gumagamit ng mga record ng retiradong pulis para mag-apply ng loan sa Armed Forces of the Philippines Savings and Loans Inc. (AFPSLAI) sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Kinasuhan ng estafa ang mga suspek na sina: Seferino Rodolfo, 64-anyos mula Cavite; Meriam Ungos, 49 na taong gulang mula Pangasinan; Maribel Sionilo, 49 na taong gulang mula Makati; Jonathan Panceras, 41 taong gulang mula Makati; Alvin Abdul Kalam Mahamud, 43 taong gulang mula Quezon City; Jesus Canero, 37 taong gulang mula San Fernando City; Edwin Madrigal, 49 na taong gulang mula Tarlac; at Marivic Jose, 35 taong gulang mula Rizal.
Ayon sa imbestigasyon, lumalabas na si Rodolfo ang nag-apply ng loan sa ilalim ng pangalan ni Retired Police Superintendent Yolando Conaco.
Nakipag-ugnayan si Afpslai-Lucena Branch Manager Carolyn P. de Villa sa AFPSLAI sa Calapan City na nagkasa ng entrapment operation at naging dahilan para maaresto ang mga suspek.