8 mula sa 25 pulis na positibo sa drug test, inalis na sa serbisyo

Sibak na sa serbisyo ang walong mga pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, base sa datos lumalabas na sa 25 mga pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong 2023, 8 sa mga ito ang tuluyan nang naalis na sa serbisyo.

Isa naman ang nag-resign habang ang mga nalalabi naman ay patuloy pang gumugulong ang kaso.


Paliwanag ni Fajardo, dahil naalis sa serbisyo, hindi na makatatanggap ang mga ito ng kanilang benepisyo.

Pinakamataas na ranggo sa mga pulis na nagpositibo ay si dating Mandaluyong Chief of Police Col. Cesar Gerente.

Facebook Comments