8 na lalaki, arestado sa paglabag sa ipinapatupad na ECQ sa Pasay City

Dahil sa pagiging pasaway, dinakip ng mga otoridad ang walong lalaki sa may Brgy. 145, Zone 16, Pasay City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Ronald Agustin, Jose Magat, Symon Julius Labao, Billy Batolino, Michael Aguila, Randy King, Khaycie Malapitan at William Parales, pawang mga walang trabaho.

Nasakote ang walo sa Barangay Control Point sa may bahagi ng Taft Avenue Extension kanto ng Narra Street kung saan hindi nila sinunod ang implementasyon na ‘Unauthorized Person Outside their Residence’ na inilatag ng Lokal na Pamahalaan.


Mismong ang mga tauhan ng Baclaran Sub-Station-5 ang umaresto sa mga ito at nakatakda silang kasuhan ng paglabag sa ipinapatupad na Enhance Community Quarantine (ECQ).

Tulad ng ibang naaresto, kanya-kanyang palusot ang walong kalalakihan pero hindi na sila binigyan ng pagkakataon ng pulisya lalo’t mahigpit ang kautusan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga lalabag sa quarantine protocols.

Facebook Comments