8 na miyembro ng ASG, sumuko!

Manila, Philippines – Walong Abu Sayyaf member ang sumuko sa joint task force Sulu kahapon.

Kinilala ang walo na sina rakib Usman Mujakkil, Sadhikal Sabi Asnon, Jarrain Elil, Wahab Buklaw, Anggan Ali Sahaw, Bandi Ahadjula, Adih Manis Juhaini, at si Alden Banon.

Sila ay nasa ilalim ng pamumuno ng ASG leader na si Alhabsy Misaya.


Ayon kay JTF Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana – ilang matataas na uri rin ng armas ang isinuko ng mga bandido kabilang ang dalawang m16 rifles, isang m14 rifle at limang granada.

Sumuko ang walo sa kagustuhang magbago na at makapamuhay ng tahimik.

Facebook Comments