8 National Artists, binigyang-pagkilala ng Malacañang

Iginawad ng Malacañang noong Biyernes ang pinakamataas na pagkilala sa 8 indibidwal para sa kanilang natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas.

 

Pinangunahan ito ng multi-awarded actress na si Nora Aunor na itinanghal bilang National Artist for Film and Broadcast Arts, kasama ang tanyag na screenwriter na si Ricky Lee at late legendary director Marilou Diaz-Abaya.

 

Itinanghal naman bilang National Artist for Dance ang choreographer na si Agnes D. Locsin na kilala sa neo-ethnic dance.


 

Si Salvacion-Lim Higgins na nakilala naman sa kanyang terno creations ay kinilala bilang National Artist for Fashion Design.

 

Kabilang din sa mga pinarangalan sina Poet at Literary Critic Gemino Abad bilang National Artist for Literature at si Soprano Fides Cuyungan-Asensio as National Artist for Music.

 

Si late Veteran Actor at Director Antonio “Tony” Mabesa naman ang itinanghal bilang National Artist for Theater ngayong taon.

 

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang living awardees ay makatatanggap ng minimum cash award of ₱100,000 at minimum lifetime personal monthly stipend na ₱50,000.

 

Makakatanggap din sila ng hindi bababa sa ₱750,000 na medical at hospitalization benefits.

 

Entitled din sila sa Life Insurance Policy ng Government Services Insurance System (GSIS) o ng private insurance companies.

 

Samantala, ang mga awardees na pumanaw na ay bibigyan naman ng one-time ₱150,000 cash award.

Facebook Comments