8 of the Most Bizarre & Exotic Food in the Philippines

IMAGE: CURIOSITY.COM

Kung akala niyo ang isaw, betamax at balut na ang pinaka-extreme at kakaibang pagkain dito, nagkakamali kayo dahil ito ang 8 kakaibang pagkain na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

IMAGE: MAYARTIDOTCOM

KAMARU


Ito ang mga kuliglig na matatagpuan sa mga palayan at mga dahon. Punong puno ito ng protina at vitamin B. Madalas itong iluto nang adobo pero mas masarap parin ito kapag pini-prito! Sabi pa ng iba ay kalasa nito ang hipon.

 

IMAGE: CURIOSITY.COM

TAMILOK

Ang Tamilok naman ay galing sa mga punong mangroves na kinakain nang hilaw at isasawsaw sa suka. Madalas itong makikita sa Palawan at ito daw lasang oyster o talaba na dumudulas sa lalamunan. Isipin mo na lang talaba yan. Yummy!

 

IMAGE: EXOTICFOODSPH.BLOGSPOT.COM

UOK

Isa itong larva ng salaginto na matatagpuan sa mga troso ng niyog. Madalas itong niluluto na pa-adobo o hilaw, at madalas itong nahahanap sa probinsya ng Rizal. Mukha man itong caterpillar pero ayon sa mga lokal, masarap at masustansiya daw ito.

 

IMAGE: POSITIVELYFILIPINO.COM

ABUOS

Sinong maga-akala na ang mga maliliit na insektong ito ay pwede gawing ulam? Ang Abuos ay isang ulam na mayroon din sa Mexico at Thailand pero ang lutong pinoy nito ay binubuo ng itlog ng mga langgam na mayroong ginisang bawang at kamatis.

 

IMAGE: TOPBEST.PH

DAGA

Hindi ito katulad ng mga dagang nakikita natin sa mga kanal sa Maynila na kasing laki na ng mga pusa. Ang mga dagang ito ay makikita sa mga palayan sa probinsya ng Pampanga na ang kinakain lamang ay mga butil ng bigas. Sabi pa nila’y lasang chicken lang ito. Pwede na ito maging substitute sa mga birthday party kung walang chicken!

 

IMAGE: DRIFT STORIES

HELMET AT ADIDAS.

Ang mga Pilipino talaga walang sinasayang na parte ng manok dahil pati ulo at paa ay niluluto at kinakain parin. Ang Helmet ay ang ulo ng manok na iniihaw sa tabi-tabi, at ang Adidas naman ay ang paa ng manok na pwedeng gawing adobo o ihawin din katulad ng helmet.

 

IMAGE: PEPPER.PH

TUSLOB-BUWA

Ang  pagkaing ito naman ay gawa sa utak at atay ng baboy na mayroong mantika, toyo, patis at iba pa. Ito ay sinasawsawan ng malagkit na kanin at sabi nila’y para daw scrambled egg ang texture nito. Sa Cebu ito madalas makakain at nanggaling ang pangalan na ito sa salitang bisaya na tuslob na ibig sabihin ay isawsaw habang ang buwa naman ay bubbles. Kapag ipinagsama, ito ay isawsaw sa bubbles.

 

IMAGE: REEL AND GRILL

SOUP NO. 5

Ito ang pagkaing madalas pandirihan ng mga dayuhan dahil ito ay gawa sa ari ng kalabaw. Hindi pa alam kung paano nakuha ang pangalan nito pero sinasabi ng iba na pampataas daw ito ng libido.


Article written by Patrize Jasel Culang

Facebook Comments