8 OFWs mula Lebanon na nag-avail ng voluntary repatriation, dumating na sa bansa

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina ang 8 overseas Filipino worker (OFW) mula Lebanon na sumailalim sa voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Hezbollah at Israel.

Ilan pang OFWs mula Lebanon ang inaasahang makakauwi sa mga susunod na araw.


Halos dalawang daan ding OFWs sa Beirut ang naghihintay ng kanilang flights pauwi ng Pilipinas.

Sila ay pansamantalang nagkukubli ngayon sa shelter at Command Center ng Migrant Workers Office sa Lebanon.

Facebook Comments