8 ospital sa Metro Manila, lalahok sa pilot vaccination para sa mga edad 12 hanggang 17 sa Oktubre 15

Magsisimula na sa Oktubre 15 ang pilot vaccination para sa mga batang nasa edad 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR).

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ‘Talk to the People’ kagabi kung saan pinangalanan din niya ang walong mga ospital na lalahok dito.

Kinabibilangan ito ng National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Fe Del Mundo Medical Center, Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City, Pasig City Children’s Hospital, Philippine General Hospital, Makati Medical Center, at St. Luke’s Medical Center sa Taguig.


Kasunod nito, muling hinikayat ng pangulo ang publiko na magpabakuna na upang mas mabilis na maabot ang herd immunity at maging masaya na ang kapaskuhan ngayon taon.

Facebook Comments