
Sa gradong 1 out of 10, 8 ang ibinigay na marka ng mga maralitang tagalungsod na nagtitipon-tipon dito sa harap ng Sandiganbayan Centennial Building.
Ayon kay Vivia Ladaga na taga-Quezon City, sa ngayon ay walo pa lang ang maibibigay nilang grado dahil sa nakita nilang naideliber ng Pangulo na bente pesos na kada kilo ng bigas.
Ganito rin ang sinabi ni Tess Kaminadi na taga-Taguig.
Aniya, saka na nila ibibigay ang 10 na marka kay PBBM kapag naibaba na rin ang presyo ng bilihin ,gaya ng karne at gulay.
Sa ngayon ay hindi pa rin nila ramdam ang pangakong murang pabahay ng Pangulo.
Sa ngayon ay kakaunti pa lang ang nagtitipon tipon dito na galing sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Sa ngayon ay kaniya kaniyang puwesto ang mga pro BBM group.
Walang nailagay na stage ngayon dito sa pro administration group di gaya noong nakaraang SONA ni PBBM na mala piyesta ang mood dahil may mga banda at musical artist na humarana sa mga dumalo.
Alinsunod na rin umano ito sa direktiba ni PBBM na gaming payak o simple ang pagtitipon bilang pakikiisa sa mga naapketuhan ng Sama ng panahon









