8 pang pantalan sa Bicol Region at Eastern Visayas, nagsuspinde na rin ng mga biyahe ng sasakyan pandagat

Nagsuspinde na rin ng biyahe ng mga sasakyang pandagat ang mga pantalan sa Bicol Region at Eastern Visayas

Kaugnay pa rin ito ng epekto ng Bagyong Paeng sa Bicol Region at Visayas.

Kabilang dito ang Port of Eastern Leyte/Samar tulad ng Borongan, Calbayog, Catbalogan, Guiuan, San Isidro at Tabaco, Albay.


Ipinagbabawal na rin ang paglalayag ng mga passenger motorbanca at fishing motorbanca sa Romblon.

Inaabisuhan naman ng Philippine Coast Guard ang mga byahero na huwag nang tumuloy sa mga nabanggit na pantalan upang hindi ma-stranded.

Posibleng madagdagan pa daw ang bilang ng mga pier na magsususpinde ng biyahe lalo pa at papalapit na sa kalupaan ang sama ng panahon.

Facebook Comments