Walo pang pasyente na may COVID-19 ang namatay sa Quezon City.
Sa kabuuan, 247 na ang binawian ng buhay sa lungsod.
Base sa datos ng QC Health Department hanggang kagabi, nadagdagan naman ng 98 ang mga nakarekober sa sakit na umabot na sa 2,214.
Sa ngayon, nasa 3,869 ang total number ng confirmed cases ng COVID-19 sa Quezon City kung saan 3,762 dito ang validated cases habang 1,301 ang active cases.
Pinakamarami pa ring COVID-19 cases ang Barangay Batasan Hills na may kabuuang 164.
May labing-lima (15) ang bilang ng namatay at 123 ang recoveries.
Pumangalawa ang Barangay Bahay Toro na may 156 COVID-19 cases, may siyam na namatay at 11 na nakarekober.
Pangatlo ang Barangay Culiat na may 154 cases, 10 ang namatay at 111 ang recoveries.
Ang Tandang Sora ay may 102 cases, 12 ang namatay at 51 ang nakarekober.