
Walo pang Pilipinong naipit sa giyera ang dadating sa bansa mamayang hapon.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alas-4:00 ng hapon dadating mamaya sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3 ang Pinoy repatriates.
Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na asahan pa sa mga susunod na araw ang pagdating ng Pinoy repatriates mula Israel at Iran.
Ito ay bagama’t nagdeklara na ng ceasefire ang Tel-Aviv at Tehran.
Nilinaw rin ng DFA na hindi na kailangang tumawid ng Jordan ng mga Pilipinong uuwi sa Pilipinas mula Israel.
Ito ay dahil bukas na ang airport sa Tel-Aviv bagama’t limitado pa ang flights nito.
Facebook Comments









