8 pasahero ng jeep, patay matapos tangayin ng baha sa Tanay, Rizal

PHOTO COURTESY: Poy Phitz

Patay ang walong pasahero ng isang jeep matapos anurin ng baha kagabi sa bahagi ng Barangay Sta. Ines sa Tanay, Rizal.

Pito sa mga nasawi ay pawang mga senior citizen habang ang isa ay limang taong gulang na bata.

Sugatan din sa insidente ang misis ng driver na ngayon ay ginagamot na sa ospital.


Ayon kay Tanay, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Norberto Francisco Matienzo Jr., galing sa town proper ang jeep lulan ang 25 pasahero.

Tumatawid ito sa isang ilog sa Tanay nang mabalahaw.

Habang hinahatak ng isa pang jeep ay biglang rumagasa ang baha at doon na tumagilid ang jeep na sinasakyan ng mga biktima.

Narekober ang lahat ng pasahero ng jeep kabilang ang bangkay ng walong nasawi na pansamantalang dinala sa covered court ng Barangay Sta. Ines.

Facebook Comments