8 pasahero patay ilan sugatan sa pagkakahulog ng pampasaherong jeep sa bangin sa Pres. Roxas North Cotabato

Walo katao ang namatay habang sugatan ang ilan sa pagkakahulog ng isang pampasaherong sasakyan sa bayan ng Pres. Roxas sa lalawigan ng North Cotabato kaninang hapon.
Nangyari ang insidente dakong alas 5:30 ng hapon kanina sa bahagi ng Arakan Valley complex barangay Greenhills sa bayan ng Arakan. Sa report ay galing ang sasakyan sa Arakan proper at patungo ng Pres. Roxas ng mangyari ang hindi inaasahang trahedya. Dagdag na detalye susunod.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments