Sumampa na sa walo ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lima sa mga nasawi ay pawang mga rescuer na nalunod sa baha sa kalagitnaan ng kanilang operasyon sa San Miguel, Bulacan.
Tatlong casualty pa ang patuloy na bineberipika ng ahensya, dalawa sa Zambales at isa sa Burdeos, Quezon Province.
May tatlo rin na napaulat na nawawala mula sa Mercedes, Camarines Norte.
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na 74 na lugar ang apektado ng pagbaha sa Central Luzon, CALABARZON at Bicol.
Labing-anim na tulay at 13 kalsada naman ang hindi pa rin madaanan sa mga nabanggit na rehiyon gayundin sa Cagayan at Cordillera.
Facebook Comments