8, patay sa magkakahiwalay na shooting incident sa Georgia, USA

Patay ang walong indibidwal sa magkakahiwalay na shooting incident sa tatlong spa sa Georgia, USA.

Ayon sa Cherokee County Sheriff, apat sa mga nasawi sa tatlong metro spa sa siyudad ng Atlanta ay kinabibilangan ng apat na babae na pinaniniwalang mga Asyano.

Isa naman ang napaulat na nasugatan.

Makalipas ang halos apat na oras ay nadakip ang 21-anyos na suspek sa pamamaril na si Robert Aaron Long.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Facebook Comments