8 personalidad na sangkot sa Senate hearing kaugnay sa umano’y overpriced medical supplies, isasailalim sa immigration lookout bulletin

Inihahanda na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kautusan para maisailalim sa immigration lookout bulletin ang walong personalidad na sangkot sa Senate hearing.

Ukol ito sa pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng umano’y overpriced na face mask, Personal Protective Equipment (PPE) at iba pang medical supplies.

Ayon kay Guevarra ito ay tugon sa hiling ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.


Hindi naman masabi ni Guevarra kung ang nabanggit na mga personalidad ay mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation o kaya ay kung konektado sila kay dating Presidential Adviser at Chinese businessman Michael Yang.

Ang kompanyang Pharmally ang binilhan ng umano’y overpriced na pandemic supplies habang si Michael Yang umano ang naging koneksyon dito ng PS-DBM.

Facebook Comments