8 persons of interest sa pagpatay sa middleman sa Percy Lapid killing, tinitingnan ng DOJ

Umakyat na sa 8 ang persons of interest na tinitingnan ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay sa middleman ng Percy Lapid killing.

Ayon kay Sec. Jesus Crispin Remulla, 3 dito ang nasa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP), 3 ang nasa pag-iingat ng National Bureau of Investigation (NBI), isa ang nasa pasilidad ng militar at isa ang kukunin pa nila sa Bureau of Correction (BuCor).

Sinabi ng kalihim na ang persons of interest na ito ay posibleng may nalalaman sa pagkamatay ng persons deprived of liberty (PDL) na si Jun Villamor na itinurong middleman sa pagpaslang kay Lapid.


Posible pa raw itong madagdagan depende sa mga impormasyong lalabas sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Bukod sa walong persons of interest, hawak na rin ng Witness Protection Program (WPP) ang dalawang kapatid ni Villamor na magsisilbing testigo.

Facebook Comments