8 pesos na burger promo ng isang sikat na restaurant sa Pilipinas – pinagkaguluhan

474

Manila, Philippines – Dinumog at pinagkaguluhan ang isang kilalang burger restaurant ngayong araw dahil sa kanilang promo.

Mula kasi sa regular prize ng burger na mahigit P200, nabili na lang ito sa bagsak-presyong walong piso!

Hindi pa man bukas ang mga mall, nakapila na ang tao sa labas at halos magka-stampede nang sabay-sabay silang nagpasukan.


Kwento ng isang netizen, may isang branch pa nga nito sa isang mall sa Sta. Mesa, Manila ang nasira ang glass wall.

Ang promo ay bahagi ng ika-walong anibersaryo ng nasabing burger restaurant.

Facebook Comments