8 Pilipinong marino mula M/V Eternity C, nasa pangangalaga na ng Konsulado sa Saudi Arabia

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 8 Pilipinong marino mula sa M/V Eternity C ang nasa pangangalaga na ng Konsulado ng Saudi Arabia.

Ayon sa DFA, ligtas na nakarating sa Kingdom of Saudi Arabia, at kasalukuyang sumasailaim na sa mandatory medical assesment.

Ito’y para ihanda sila sa kanilang repatriation sa mga susunod na araw.

Nagpasalamat naman ang DFA sa Saudi Arabia government dahil sa pagbibigay ng visa consideration sa walong marino sa ilalim ng humanitarian grounds.

Samantala, patuloy naman umanong magbibigay ng update ang Konsulada para sa mga Pilipinong marino na nakaligtas matapos nang pag-atake ng Houthi rebel sa Red Sea.

Facebook Comments