Sinalubong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago mag alas-6 ngayong umaga ang 8 Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar.
Kabilang dito ang 4 na lalaki na ni-recruit mula sa Dubai at pinalipad ng illegal recruiters patungong Myanmar.
Sila ay pinangakuan ng trabaho bilang customer support representatives sa Thailand.
Gayunman, sa halip na sa Thailand sila dalhin ay dinala sila sa Myanmar at pinuwersang mag-invest sa cryptocurrency.
Ang 4 na Pinoy ay nakulong sa Myanmar dahil sa iligal na pagpasok doon.
Nagpaalala naman ang DFA sa mga Pilipino na ang Myanmar-Thai Friendship Bridge border crossing ay muling binuksan nitong January 2023 para lamang sa citizens ng naturang dalawang bansa.
Nangangahulugan ito na ang sino mang dayuhan na dadaan dito ay huhulihin dahil ito ay iligal.