Pabalik na ng bansa ang 8 pang Overseas Filipino Workers (OFW) na galing sa Tripoli.
Matatandaang itaas sa alert level III ang sitwasyon sa Tripoli dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Cato, ang 8 OFWs ay dadating sa bansa anumang oras mula ngayon.
Kasunod nito doble kayod ngayon ang Philippine Embassy sa Tripoli sa pagkumbinsi sa mga OFW na umuwi na ng bansa.
Bukod sa pagbibigay ng mga advisories at pakikipag-ugnayan online sa tinatayang 1,000 Pinoy sa Tripoli.
Noong isang araw, 4 na OFWs na nagtatrabaho sa Tripoli ang dumating sa bansa sa pangambang madamay sa gulo sa nasabing bansa.
Ang mga Filipino na nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa Philippine Embassy sa Tripoli o (sa mga numerong +218-91-824-4208 or +218-94-454-1283 o sa pamamagitan ng Facebook page ng “Philippine Embassy sa Libya”.