‘8-point agenda’ ng DOH, inilatag ni Herbosa sa kanyang unang araw sa kagawaran

Pormal nang nai-turnover ni Department of Health (DOH) OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa bagong talagang kalihim na si Sec. Ted Herbosa ang pamumuno ng DOH ngayong araw.

Ito ay kasabay ng ika-125 taong anibersaryo ng ahensya.

Dito inilatag ni Herbosa ang kaniyang ‘8-point agenda’ sa ilalim ng kaniyang liderato, tulad ng:


1) Lahat ramdam ang kalusugan.
2) Ligtas, dekalidad at makapagkalingang serbisyo.
3) Teknolohiya para sa mabilis na serbisyo pangkalusugan.
4) Handa sa krisis.
5) Pagiwas sa sakit.
6) Ginhawa ng isip at damdamin.
7) Kapakanan at karapatan ng mga health worker.
8) Proteksyon sa anumang pandemya.

Aminado ang kalihim na marami pang problema ang haharapin ng DOH, pero handa umano ang kagawaran sa anumang hamon na darating sa kanila.

Pinasalamatan naman ni Herbosa si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkakatalaga niya sa DOH, gayundin si USec. Vergeire sa pagsisikap nitong pamunuan ang ahensya.

Facebook Comments