8 priority measures ng administrasyon, nailusot ng Senado

Walong prayoridad na panukala na isinusulong ng Marcos Administration ang pinagtibay ng Senado sa unang bahagi ng second regular session ng 19th Congress.

Bago magsara ang sesyon ngayong linggo ay ipinagmalaki ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kabilang sa mga priority bills na naipasa ng Mataas na Kapulungan sa nakalipas na 28 session days nila mula Hulyo ay ang mga sumusunod.


-Internet Transactions bill
-LGU Income Classification bill
– Trabaho Para sa Bayan Act (ganap na batas)
– New Philippine Passport bill
– Salt Industry Revitalization bill
-Panukalang pagpapalawak ng benepisyo ng mga Pinoy Centenarian
-Mental Health bill at
– Caregivers bill

Inihabol din na maaprubahan sa huling araw ng sesyon Magna Carta for Seafarers bill na isang urgent bill at naghihintay na lamang ng lagda mula sa Pangulo ang niratipikahan na bicameral report ng dalawa pang priority measures, ang Ease of Paying Taxes bill at Public-Private Partnership bill.

Sinabi naman ni Majority Leader Joel Villanueva na maaari pa rin silang magsagawa ng mga pagdinig sa mga Senate Committees kahit pa nakabreak ang Senado.

Sa November 6 magbabalik ang sesyon ng Kongreso.

Facebook Comments