Tinukoy ng Department of Science and Technology (DOST) ang walong proposed sites kung saan isasagawa ang pag-aaral sa paggamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccines.
Una nang inanunsyo ng DOST na isasagawa ang pag-aaral sa susunod na buwan.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang pag-aaral ay pangungunahan ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology (PSAAI) sa loob ng 18 buwan mula June 2021 hanggang November 2022.
Nakatakda pa lamang itong aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) at Philippine Health Research Ethics Board (PHREB).
Ang mga proposed study sites ay ang sumusunod:
– Antipolo / Marikina City
– Manila
– Pasig
– Makati / Pasay
– Muntinlupa
– Quezon City
– Cebu
– Davao
Sabi ni Dela Peña na ang layunin ng pag-aaral na malaman kung maaaring i-partner ang Sinovac vaccine sa iba pang vaccine brand.
Nasa ₱133 million ang inilaang pondo para sa pag-aaral.