Inirekumenda na ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na tuluyan nang masibak sa serbisyo ang walong pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas City.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kabilang sa kanilang inirekomendang masibak ang dalawang team leaders.
Resulta na rin aniya ito ng pag-amin ng anim na pulis na lahat sila ay nagpaputok ng baril.
Aniya, ang 2 team leaders na ito ay napatunayang nagpabaya na nagresulta sa kamatayan ni Jemboy.
Matatandaang una nang tinanggal sa pwesto ni NCRPO Director PBGen. Melencio Nartatez ang hepe ng Navotas City Police na si PCol. Allan Umipig dahil sa isyu ng command responsibility maging ang hepe ng station investigation section ng Navotas Police na si Capt. Juanito Arabejo at chief clerk na si Chief Master Sgt. Aurelito Galvez.