May rekomendasyon ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kay PNP Chief General Dionardo Carlos na sibakin sa serbisyo ang walong pulis na miyembro ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Organized Crime Unit dahil sa kasong robbery sa Angeles, Pampanga nitong buwan ng Pebrero.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, hindi legal ang buy bust operation na isinagawa ng walong pulis sa halip intensyon lamang ng mga itong magnakaw.
Nitong Martes ay isinumite nang PNP-IAS sa Directorate for Personnel and Records Management ang kanilang rekomendasyon.
Kabilang sa pinaalis sa serbisyo ay sina:
• Police Maj. Ferdinand Mendoza
• Police Staff Sgt. Mark Anthony Iral
• Police Staff Sgt. Sanny Ric Alicante
• Pcpl. John Gervic Fajardo
• Pcpl. Kenneth Rheiner Delfin
• Pat. Leandro Mangale
• Pat Hermogines Rosario Jr.
Matatandaang tinangay ng mga pulis na ito ang pera, alahas at cellphone ng mga biktima na nagkakahalaga ng ₱3 milyon.