8 sa 10 pinoy na kuntento sa war on drugs batay sa survey ng SWS, ikinatuwa ng PNP

Nagpasalamat si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa publiko dahil sa patuloy na  pagtitiwala sa kampanya  kontra iligal na droga ng gobyerno.

Ito ay matapos na lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS sa ikalawang bahagi ng taon na walo sa bawat sampung pinoy  ay nananatiling kuntento sa War on Drugs.

Ayon sa opisyal, nakatutuwang malaman na sa kabila ng mga batikos at kritisismong ibinabato sa kanila, nananatili pa ring tiwala ang mga Pilipino sa kanilang mga programa.


Ito na ang ikatlong sunod na taon na nananatiling positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa problema ng iligal na droga kaya’t ayon kay Albayalde, patuloy pa nilang pag-iibayuhin ang trabaho  hanggang sa sumapit  ang kaniyang pagreretiro sa buwan ng Nobyembre.

Facebook Comments