Walo sa bawat 10 batang Pilipino ang nakararanas ng dehydration.
Ito ay base sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).
Ayon kay FNRI Technology Diffusion and S&T Services Division Science Research Specialist II Czarina Martinez – 83% ng mga batang Pilipino ang hindi umiinom ng sapat na tubig para manatiling hydrated.
Nakakaalarma aniya ito dahil mahalaga ang hydration sa development ng bata.
Nitong Miyerkules (May 15), inilunsad ng DOST-FNRI ang #uhawareyou? katuwang ang isang juice manufacturer para i-angat ang hydration awareness.
Ang mga senyales ng dehydration ay panunuyo ng labi at bibig at pangingitim ng kulay ng ihi.
Pinapahina rin ng dehydration ang physical at mental performance ng tao.
Ang hindi pag-inom ng tubig ay magdudulot ng ilang kumplikasyon gaya ng kidney stones, urinary tract infection hypertension at stroke.