Umabot sa 85% ng mga Pilipino ang nangangambang sila o ang kanilang kamag-anak ang tamaan ng COVID-19.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 67% ang nagsabing sila ay lubos na nag-aalala, 18% ang medyo nag-aalala, 8% ang nag-aalala lamang ng kaunti, at 7% ang hindi nag-aalala.
Bukod dito, lumabas din sa survey na mas nag-aalala ang mga Pilipino na madapuan ng COVID-19 kaysa sa iba pang virus tulad ng ebola, swine flu, bird flu at Sever Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Marami ang nag-aalala sa Metro Manila na nasa 92%, kasunod ang Balance Luzon (87%), Visayas (85%), at Mindanao (77%).
Mas maraming babae ang nangangamba tungkol sa banta ng COVID-19 na nasa 87% kumpara sa mga lalaki na nasa 83%.
Ang mobile phone survey ay isinagawa mula July 3 hanggang 6 sa 1,555 adult respondents.