
Inaprubahan na sa kaukulang Komite ng Kamara ang walong mga panukalang batas na kasama sa 52 priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, ang mga panukalang ito ay umusad na sa House Committee on Appropriations para talakayin kung paano ito malalaanan ng alokasyon.
Binanggit ni Rep. Marcos na kabilang sa mga panukala ito ang:
1. Modernisasyon ng Bureau of Immigration
2. National Land Use Bill
3. Independent People’s Commission
4. Presidential Merit Scholarship Program
5. Amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act
6. Amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program
7. Amyenda sa Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises… at
8. Pag-reset ng petsa ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Sa ngayon ay umaabot na sa 12 LEDAC priority measures ang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.










