8 senador, magsusulong ng dagdag na pondo para sa OVP

Dumarami ang mga senador na interesadong padagdagan ang budget ng Office of the Vice President (OVP) matapos tapyasan ng P1.3 billion ang budget ng tanggapan sa susunod na taon.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, walo silang mga senador na gustong dagdagan ang budget ng pangalawang pangulo sa 2025.

Isa sa mga pangunahing ikinukonsidera ng senador ang posibleng pagkawala ng trabaho ng nasa 200 empleyado ng OVP.


Sinabi ni Villanueva na pag-aaralan munang mabuti ang budget ng OVP bago desisyunan lalo’t maraming mga tauhan ang maaapektuhan.

Paglilinaw ni Villanueva, hindi naman balak na ibalik ang kabuuang higit P2 billion subalit gusto nilang madagdagan ang pondo para sa social services ng OVP.

Hindi bababa sa P150 million ang balak na ipabalik sa pondo ng OVP at hindi naman planong ibalik ang orihinal na budget proposal ng ahensya na P2 billion.

Facebook Comments