8 senador, perfect attendance sa first regular session ng Senado

Perfect attendance ang walong mga senador sa first regular session ng Senado mula July 22, 2019 hanggang July 4, 2020.

Kinabibilangan ito nina Senate President Tito Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Ronald Bato Dela Rosa, Risa Hontiveros at Joel Villanueva.

Sa 67 plenary sessions ay present silang lahat kung saan sina Sotto at Zubiri ay wala ring kahit isang beses na late.


Base sa record ay isang beses namang lumiban sina Senators Panfilo Lacson, Sonny Angara, Christopher Go, Imee Marcos at Francis Tolentino.

Si Senator Richard Gordon ang naitalang may pinakamaraming late na 31 beses na ibig sabihin ay dumating siya sa session na tapos na ang roll call.

Pinakaraming beses naman na hindi nakadalo sa plenary sessions si Senator Lito Lapid pero hindi siya absent dahil 2 beses nito ay nasa official local mission siya at anim naman na official mission sa ibang bansa.

Sina Senators Kiko Pangilinan at Koko Pimentel naman ay nakapagtala ng tig-apat na absent.

Facebook Comments