Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na makasuhan sa korte ang walong suspek na nasa likod ng operasyon ng cyber scam hub sa Clark, Pampanga kung saan mahigit 1,000 biktima ang na-rescue.
Batay sa resolution ng DOJ Prosecution Task Force on Trafficking Cases, inirekomenda nito ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act laban sa mga suspek.
Karamihan sa mga suspek ay mga dayuhan kung saan ilan sa kanila ay nakatakdang ipa-deport.
Magugunitang nitong May 4, mahigit 1,000 nationals mula sa Philippines, Vietnam, China, Indonesia, Nepal, Malaysia, Myanmar, Thailand, at Taiwan ang na-rescue ng mga awtoridad sa Clark Freeport and Special Economic Zone.
Sila ay kapwa pinuwersa ng mga suspek para gumawa ng cyber fraud, kung saan ang binibiktima ay kanilang mga kababayan.