8 TALENTADONG ISABELEÑOS, SASABAK SA ISABELA’S GOT TALENT

Cauayan City – Nagpapatuloy pa rin ang tagisan ng iba’t-ibang talento sa pagitan ng mga natatanging Isabeleños sa Isabela’s Got Talent 2024.

Ngayong darating na araw ng Biyernes, ika-26 ng Hulyo, walong contenders mula sa iba’t-ibang bayan ng Isabela ang magpapakitang gilas sa entablado ng Isabela’s Got Talent Week 4.

Bitbit ang kanilang lakas ng loob at angking talento, hindi magpapatinag ang mga ito upang maiuwi ang pagkapanalo sa nabanggit na kompetisyon.


Samantala, tiyak na magiging maalab ang labanan sa pagitan ng mga talentadong Isabeleño dahil dalawang defending champion ang kailangan nilang pataubin upang tanghalin bilang weekly winner.

Inaanyayahan ang lahat ng Isabeleños na tutukan ang mainit na pasiklaban ng talento sa pagitan ng 10 proud Isabeleño ngayong linggo.

Facebook Comments