8 tao, patay matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Rizal

Binangonan, Rizal – Patay ang walong tao matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Laguna De Bay, Binangonan, Rizal.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang taong gulang na si Jianna Jenzen Fariño at siyam na taong gulang na si Sean Wilfred Orteza.

Kinilala rin ang iba pang mga nasawi na sina: Malou Candol, Marilou Papa, Rolino Fariño Jr., Weldy Orteza, Frederick Orteza at Dimareth Mendoza.


Nabatid na kabuuang labinglimang tao ang sakay ng bangka na gawa sa fiberglass na nanggaling sa isang fishpen sa Laguna De Bay kung saan naganap ang isang birthday party nang bigla itong lumubog.

Facebook Comments