8 tauhan ng PCG, hinatulang guilty sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel

Hinatulan ng guilty beyond reasonable doubt ng Manila Regional Court ang walong Philippine Coast Guard o PCG officers sa kasong homicide kaugnay sa Balintang channel incident sa Batanes.

May kaugnayan ito sa sinasabing engkwentro sa pagitan ng mga taga-PCG at mga Taiwanese fishermen noong May 9, 2013, na nagresulta sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese na si Hong Shih Cheng.

Walo hanggang labing apat na taong pagkakabilanggo ang ipinataw ni Manila RTC branch 15 judge Eduardo Ramon Reyes sa mga akusado na sina:


– Commanding officer Arnold Enriquez Dela Cruz

– Seaman 1st Class (SN1) Edrando Aguila

– SN1 Mhelvin Bendo II

– SN1 Andy Gibb Golfo

– SN1 Sunny Masangcay

– SN1 Henry Solomon

– Seaman 2nd class Nicky Renold Aurello

– Petty Officer Richard Fernandez Corpuz

Magugunitang ang nasabing kaso ay nagdulot ng iringan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Taiwan at may ilang OFWs sa Taiwan ang nawalan ng trabaho.

Bukod sa parusang pagkakakulong, pinagbabayad ang mga nahatulan ng danyos na aabot sa P100,000 na multa bawat isang akusado.

Facebook Comments