8 taxi at 2 TNVS na nag-overcharge sa mga pasahero sa NAIA, na-impound na ng LTO

Na-impound na ang ilang sasakyan na nahuling nag-overcharge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) at Aviation Security Group (AVSEGROUP) laban pa rin sa mga illegal na gawain ng pampublikong transportasyon sa mga paliparan.

Ayon sa PNP-AVSEGROUP, umabot sa 15 sasakyan ang hinarang at sinuri ng LTO sa NAIA Complex.

Sa nasabing bilang 10 ang na-impound kabilang ang 8 taxi at dalawang TNVS o pribadong sasakyan dahil sa over charging at paglabag sa prangkisa.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng LTO upang masiguro ang ligtas, maayos, at patas na serbisyo sa mga pasahero sa NAIA.

Facebook Comments